Friday, May 29, 2009

Lucban Longganisa

Nung pumunta kami sa Pahiyas Festival last May 15, Lucban longganisa ang umubos ng oras namin. Halos 3 oras kaming nakapila sa Eker and Ely para lang makabili ng longganisa. Maraming taong nakapila at handa talagang maghintay. Meron naman silang tinda doon na frozen longganisa, pero iba pa rin talaga kapag kagagawa lang, fresh na fresh.

Habang naghihintay kami, tumingin-tingin din kami sa ibang tinda nila doon. Di na namin napigilanng bumili din ng Sukang Lucban (coconut vinegar), hab-hab noodles at puto-seko para pasalubong pagbalik sa Manila. Sa tagal ng paghihintay, di maiwasan na may mga taong naiinip na at nagagalit. Mainit na ang panahon at mainit din sa loob ng tindahan kaya ang resulta ay init ng ulo. May mga nag-walk-out pero bumalik din. May mga talak ng talak sa may-ari pero nanahimik din naman sa huli. Di talaga matiis ang Lucban longganisa.

Around 1 pm na ng hapon ng makuha namin ang aming pinakahihintay na longganisa. Sabi ng kaibigan namin na taga-Lucban, masarap talaga ang longganisa sa Eker and Ely. Dito nila nirerekomenda lahat ng taong gustong bumili ng longganisa.

Pagbalik namin sa Manila, nagluto ako ng dalawang piraso para tikman kung talagang masarap. Gaya ng itinuro sa akin ng nanay ng kaibigan ko, nilagyan ko ng konting tubig at pinakulo hanggang sa maiga. Tinusok ko ang longganisa para lumabas ang natunaw na taba. yung mantikang iyon ang ginamit ko para iprito ang longganisa hanggang sa magkulay brown.

Lucban longganisa is not your ordinary longganisa na matamis, maalat-alat ang lasa nito. Maraming bawang at paminta na nagpasarap pa lalo dito. Masarap din isawsaw sa suka dahil nagko-compliment ang lasa nito sa asim ng suka. Yung coconut vinegar na nabili ko sa Lucban ang ginamit kong sawsawan.

Well, overall, it was worth the wait.

No comments:

Post a Comment