Cozy and relaxing yung place. Para ka lang kumakain sa bahay. May mga paintings din sa walls na nadagdag ng drama at warmth sa overall ambiance ng place.
Nag-order kami ng Spaghetti Aglio Olio, Pasta Montano, Linguine al Pollo e Prosciutto, Supremo Pizza at ang kanilang house blend bottomless iced tea.
Habang hinihintay ang aming order, binigyan kami ng complimentary bread na may may dip na pesto at tomato sauce. Masarap yung bread dahil mainit init pa when they served it to us lalo na if you dip it sa pesto sauce. Para sumarap pa, ask for Parmesan cheese then mix it with the pesto sauce, perfect yung combination nun sa bread.
Nung dumating na yung food, napansin naming masyado marami for 6 persons ang aming order. Masarap naman lahat, lalo na yung pizza. Thin ang crust at malambot yung yung bread. Yun pasta, talagang nakakabusog. Panalo din yung house blend iced tea nila. Di ko alam kung paano nila ginawa pero feeling ko merong mango syrup na halo.
Check my succeeding blogs for the food that we've ordered. We really had a great foodgy at Bellissimo.
Bellissimo Ristorante is at 105 Unit E & F Scout Castor corner Tomas Morato, Quezon City. The restaurant is open from 11:00 AM to 12:00 MN on weekdays and up to 1:00 AM during weekends.
No comments:
Post a Comment