Wednesday, May 27, 2009

Pancit Lucban ala Foodgy

The time has come for me to cook my own version of Pancit Lucban (Hab-hab). Gaya nung kinain namin sa Buddy's, bumili ako ng carrots, cabbage, sayote at pork. Nilagyan ko din ng squid balls. At para maging authentic Lucban ang lasa, nilagyan ko din ng Lucban longganisa. Yung kinain kasi namin sa Buddy's parang ordinary pancit canton lang, walang pinag kaiba except sa noodles na ginamit.

Hiniwa ko yung ingredients ng pahaba at nagpakulo ako ng tubig para naman dun sa hab-hab noodles na binili ko din sa Lucban. Habang hinihintay kumulo yung tubig, ginisa ko yung bawang at sibuyas tapos nilagay ko yung pork. Tapos, tinanggal ko yung laman nung Lucban longganisa at isinama ko sa ginigisa. Nung half-cook na yung karne, nilagay ko yung squid balls. At nang naluto na yung karne, nilagay ko yung carrots at sayote. Kailangan half-cook lang parang crunchy pa din yung gulay. Tapos nilagay ko yung cabbage.



Samantala, nung kumulo na yung tubig, inilagay ko na yung hab-hab noodles. Di ko tinakpan para hindi lumabsak. Nung malambot na yung hab-hab noodles, tinanggal ko yung natitirang tubig. Nilagay ko sa ginisang gulay yung hab-hab noodles at nilagyan ng sesame oil para hindi magdikit-dikit. Gumamit ako ng soy sauce at oystersauce, garlic powder at pepper pampalasa. Hinalo kong mabuti para maging even yung kulay at lasa ng pancit.



Nang maluto, ginamitan ko siya ng coconut vinegar na nabili ko sa din Lucban instead of calamansi...I preferred eating it the Lucban way.

1 comment:

  1. Wow Gem may food blog ka na? Great. You might want to make the pictures and instructions easier to understand, though. I suggest numbering. Keep it up, or as we Filipinos say, "More power!!" NYAHAHA.

    ReplyDelete