Tuesday, June 9, 2009

Bellissimo’s Aglio e Olio

Spaghetti Aglio Olio or simply Aglio e Olio, according to WIKIPEDIA, is a pasta dish that is said to be a traditional Italian cuisine. Aglio means garlic and olio means oil which, aside from the pasta (usually fettuccine), are the two basic ingredients of this dish.

Una kong na encounter ang Aglio e Olio noong kumain kami sa Bellissimo Ristorante sa Timog. Iba sa original recipe nito na garlic and oil lang ang gamit, ang Aglio e Oglio ng Belissimo ay may kasamang shrimps, clams at anchovies, spaghetti ang pasta na ginamit.

At first, mapapansin na kakaiba ang amoy nito dahil sa anchovies na parang bagoong isda (fish paste). Di din appetizing ang presentation na naka palibot sa pasta yung mga shells na may 2 shrimps sa ibabaw. But the taste makes a lot of difference from the way it looks.

Distinct pa rin ang lasa ng anchovies that go well the other seafoods. The pasta was al dente at hindi gaanong oily. Unlike the original recipe, napansin ko na wala gaanong garlic yung dish or baka naman na over power lang ng lasa ng anchovies ang garlic. Isa pa sa ikinagulat ko while eating the dish ay ang Parmesan cheese na masarap din pala sa sea food.

Mahilig talaga ako sa seafoods at maalat na pagkain kaya nagustuhan ko ang Aglio e Olio ng Bellissimo. Kung mahilig kayo sa seafoods, I will recommend this dish for you. Balak kong magluto ng sarili kong version nito pero siyempre I will modify it to my own taste. I am planning to put tahong instead of clams, bagoong isda or aligue (crab fat) instead of anchovies and bangus fillet instead of shrimps.

1 comment:

  1. looks yummy. i love oil or red-sauce based pasta.. much more if it has seafood!

    ReplyDelete